-- Advertisements --

Wala na umanong ambisyon para sa mas mataas na posisyon sa gobyerno si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.

Ito ang pahayag ng senador, kasunod ng alegasyong ginagamit ang Senate panel para sa planong pagtakbo sa politika nng mambabatas.

Ayon kay Gordon, hindi niya kailangang maghangad pa ng mas malaking responsibilidad dahil matagal na siyang nagsisilbi, hindi lamang sa pamamagitan ng Senado, kundi maging sa Philippine red Cross (PRC).

Naipagkumpara pa nito ang kanilang ginagawa sa PRC kaysa sa aksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sila aniya ay mismong pumupunta sa mga lugar na may problema para tumulong at hindi lang bumabatikos sa mga kritiko ng gobyerno at ipinagtatanggol ang mga opisyal isinasangkot sa kontrobersiya.

“Ang tiga-sagot nila ngayon ay si Atty. Duterte. Nag-aabogado na po si Atty. Duterte ngayon. Hindi na siya Pangulo ng Pilipinas,” wika ni Gordon.

Binatikos naman ni Sen. Christopher “Bong” Go ang pilit na pag-uugnay kay Pangulong Duterte at mga opisyal ng Pharmally.

Ayon kay Go, magsampa na lang sana ng kaso ang kaniyang mga kasamahan kung may sapat itong ebidensya.