Nakakulekta ang gobyerno ng halos P3 bilyon na halaga mula sa mga technology firms sa ilalim ng 12 percent value-added tax (TAX) sa mga digital services.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na mayroong kabuuang P2.79 bilyon ang kanilang nakulektang buwis mula noong Enero.
Sa nasabing halaga ay P1.65-B ay binayaran para sa business-to-customer transactions habang ang business-to-business ay umabot ng P1.14-B.
Magugunitang nakasaad sa Republic Act No. 12023, na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Oktubre ng nakaraang taon na magbabayad ang mga foreign digital platforms ng VAT sa mga serbisyo nila sa Pilipinas , Digital services kabilang ang online search engines, marketplaces, cloud service, online media, online advertising at digital goods.