-- Advertisements --

May nakalatag ng contigency measure o security plan ang gobyerno sakaling mangyari ang worst case scenario sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) lalo at patuloy sa pagiging agresibo ang China na nais makalapit sa BRP Sierra Madre Madre.

Nakahanda ang Armed Forces of the Philippines na ikasa ang nasabing security plan.

Ayon kay National Maritime Council Spokesperson Usec Alexander Lopez na bahagi ito ng pinaghahandaan nilang worst case scenario kapag nangahas ang China na muling lapitan nang husto ang BRP Sierra Madre.

Binigyang-diin naman ni Lopez na walang makapipigil sa Pilipinas sa ginagawang rotation and resupply missions para sa mga tropa sa BRP Sierra Madre.

Ipinunto ni Lopez na karapatan ng bansa na ipagpatuloy lamang ang rore missions .

Inihayag ni Lopez na malinaw aniyang nakasaad sa provisional understanding sa pagitan ng pilipinas at china  na hindi nila dapat gambalain, harangin o guluhin ang ating rore missions.

Sa ngayon 24 oas na nakabantay ang ating mga tropa at idino dokumento ang lahat ng galaw ng barko ng china at chinese militia vessels sa West Philippine Sea.