Pumirma ng $205 million five-year extension contract si Rudy Gobert sa Utah Jazz.

Kinumpirma mismo ito ng 28-anyos na three-time All-NBA center.

Dagdag pa nito na kaya niyang kumita ng $228 milyon na kontrata gaya ng pinirmahan ni Giannis Antetokounmpo sa Milwaukee Bucks pero kaniya itong binawasan.

Nagpasalamat ito sa Jazz dahil sa tiwala ang mga ito sa kaniya.

Naging 27th overall pick si Gobert na mayroong 11.7 points, 11 rebounds at 2.2 blocks na average kada laro.