GOBERT4
Rudy Gobert

Inamin ni Utah Jazz star Rudy Gobert na siya ay nahihiya sa pagiging pabaya niya dahil sa coronavirus.

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga tao na inilagay niya sa pahamak matapos na nagpositibo ito sa coronavirus disease o COVID-19.

Magugunitang nagpositibo sa COVID-19 si Gobert kung saan ilang araw bago ang kaniyang pagsusuri ay nagbiro pa ito sa nasabing isyu sa pamamagitan ng paghawak sa mukha ng kapwa manlalaro.

Bukod pa kay Gobert ay nagpositibo rin sa COVID-19 ang kasamahan nitong si Mitchell Donovan.