Paul Lee/ PBA photo

Binuhat ni Paul Lee kaniyang koponang Magnolia Hotshots para madala ito sa semifinals ng PBA Philippine Cup ng talunin nila ang Barangay Ginebra 85-72.

Nakapagtala si Lee ng 25 points para tuluyang tapusin ang do-or-die best of three quarterfinals nila ng Ginebra.

Mayroong 13 points naman si Mark Barroca habang 11 points naman ang naitala ni Aldrech Ramos.

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na naibigay ng kaniyang mga manlalaro ang 100% pagsisikap kaya sila nagwagi.

Makakaharap ng Magnolia ang Rain or Shine sa best of seven semifinals sa Biyernes.

-- Advertisement --