Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Nakuha ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa best of seven finals nila ng Meralco Bolts 91-87.

Pinangunahana ni Justin Brownlee ang panalo ang Ginebra na nagtala ng 38 points habang napiling player of the game si Japeth Aguilar na mayroong 16 points, six rebounds at tatlong blocks.

Natapalan kasi ni Aguilar ang drive attempt ni Bolts import Allen Durham sa huling segundo ng last quarter.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, na dumaan sila matinding pagsubok para sa makuha ang unang panalo.

Nasayang namang nagawang 25 points, 18 rebounds at 10 assists ni Durham ganun din ang nagawang 24 points na nagawa ni Chris Newsome at 20 points ni Raymond Almazan.