Reading Time: 1 minute
Gilas Pilipinas
Gilas Pilipinas

Naging matumal ang ginawang ensayo ng Gilas Pilipinas nitong Lunes ng gabi sa Meralco Gym.

Ito ay dahil sa walong manlalaro lamang ang nakadalo.

Kinabibilangan ito nina Kiefer Ravena, Matthew Wright, Andray Blatche, Mark Barroca, Cj Perez, Paul Lee, Poy Erram, Raymond Almazan at Asi Taulava.

Paliwanag naman ni Gilas coach Yeng Guiao na abala ang ibang mga manlalaro dahil sa kasagsagan na isinasagawa ang semifinals ng PBA Commissioners cup.

Nakatakdang magtungo sa Spain sa Biyernes ang Gilas para sa gagawing pocket tournament bilang paghahanda sa FiBA World Cup na gaganapin sa katapusan ng Agosto sa China.