Naging sulit ang ginawang paghabol ng Gilas Pilipinas sa kanilang send-off games laban sa Macau Black Bears 103-98.
Umabot ng 21 points ang ginawang paghabol ng Gilas at tuluyang talunin ang Macau sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Ang nasabing laro ay isang paghahanda para sa kanilang pagsabaik sa 2025 FIBA Aisa Cup sa darating na Agosto na gaganapin sa Saudi Arabia.
Nanguna sa panalo ng Gilas Pilipinas si Justin Brownlee na nagtala ng 32 points, 15 rebounds at limang assists habang mayroong 19 points, anim na assists at apat na rebounds naman si Dwight Ramos at 15 points naman ang naitala ni AJ Edu.
Magkakaroon naman ng friendly games ang Gilas laban sa Jordan sa darating na Agosto 2.
Sa mga susunod na araw ay lilipad na sa Saudi ang Gilas kung saan unang makakaharap nila ang Chinese Taipei sa Agosto 6 habang ang New Zealand sa Agosto 7 at Iraq naman ang makakaharap nila sa Agosto 9.