-- Advertisements --

May tsansa pa rin ang Gilas Pilipinas para makapaglaro sa Paris Olympics sa susunod na taon.

Matapos kasi nilang talunin ang China nitong gabi ng Sabado sa score na 96-75 sa Smart Araneta ay pasok na sila sa Olympic Qualifying Tournament.

Kahit na kasi na hindi sila agad na nakapasok sa best Asian Team para sa Paris sa susunod na taon ay nagtapos ang Pilipinas ng pang-13 sa kabuuang 16 na best ranked team na hindi pa nakakapag-secured sa Olympics.

Isa ang Pilipinas sa 24 na bansa na lalaban sa apat na tickets para sa Olympic Qualifying Tournament sa susunod na taon.

Ito na ang pangatlong beses na nakapag-qualify ang Gilas Pilipinas kung saan noong 2016 ay ginanap ito sa Mall of Asia kung saan natalo sila sa France at sa New Zealand.

Noong 2019 naman na ginanap sa Belgrade ay natalo sila sa Serbia at Dominican Republic kung saan ang coach ng Gilas Pilipinas noon ay si Tab Baldwin.

Una rito ay nagbitiw na sa pagiging coach si Chot Reyes habang nagpahayag naman ng interest muli na makapaglaro sa Olympic Qualifying tournament si Filipino-American player Jordan Clarkson.