Reading Time: 1 minute
IMG 20190610 140733 1

Patuloy na binubusisi ng Department of Justice (DoJ) ang aplikasyon ng dalawang whistle blowers sa umano’y ghost dialysis scam na kanilang ginagawa sa WellMed Dialysis Center para sa witness protection program (WPP).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sina dating WellMed employee Edwin Roberto, at Philippine Health Insurance Corp. official Liezel de Leon ay naghain ng aplikasyon pero Ito ay para sa provisional coverage lamang.

Sinabi ng kalihim na gaya sa ibang mga aplikante, dadaan pa sa evaluation ng WPP ang aplikasyon nina Roberto at De Leon bago sila tanggapin bilang mga state witness.

Si Roberto at De Leon ay kabilang sa mga kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong estafa through falsification of official documents dahil sa mga sinasabing pekeng dialysis claims sa Philhealth.

Kasama sa kinasuhan ang isa sa may ari ng WellMed na si Brian Sy.