-- Advertisements --
Inakusahan ng Germany ang Russia dahil sa cyber-attack nito sa air traffic control at tangkang panghihimasok sa kanilang halalan.
Ayon sa foreign ministry spokesman ng Germany, na ang military intelligence ng Russia ang nasa likod ng cyber-attack laban sa German air traffic control noong Agosto 2024.
Kasama rin ang umanoy panghihimasok ng Russia sa naganap na halalan noong buwan ng Pebrero.
Ang nasabing akusasyon ay matapos ang ikinabahala ng Europe na tumindi ang cyber-attacks ng Russia mula ng ilunsad ang malawakang pag-atake sa Ukraine noong 2022.
















