-- Advertisements --

Pinawi ng Pagasa ang pangamba ng publiko kaugnay sa pumasok na bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) kaninang umaga.

Ayon sa weather bureau, malabo itong tumama sa lupa at posibleng humina sa loob ng susunod na 24 oras.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Gener sa layong 1,000 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, intertropical convergence zone (ITCZ) naman ang nagdadala ng maulap na papawirin sa Visayas at Mindanao.