Inaprubahan ng United Nation Security Council ang 20-point plan ni US President Donald Trump para sa Gaza.
Kabilang sa plano ang pagtatatag ng isang International Stabilisation Force (ISF), kung saan ayon sa Amerika, maraming mga hindi pinangalanang bansa ang nag-alok na mag-aambag dito.
Bumoto ng pabor sa resolution ang 13 bansa kabilang ang United Kingdom, France at Somalia, wala namang tumutol subalit nag-abstain ang Russia at China.
Bagamat sa panig ng grupong Hamas, tinutulan nito ang resolution at sinabing nabigo umano itong matugunan ang mga karapatan at hinihiling ng Palestinians.
Base sa reports hinggil sa panibagong resolution, parte ng magiging papel ng itatatag na pwersa ay gawing permanente ang decommissioning ng mga armas mula sa non-state armed groups kabilang ang Hamas gayundin ang pag-protekta sa mga sibilyan at sa mga ruta para sa mga humanitarian aid.
















