-- Advertisements --
Ipinangalan ni Pau Gasol kay Gianna Bryant ang bagong silang na anak nito.
Sa kaniyang social media account, inanunsiyo nito ang pagsunod sa pangalan ng anak ng yumaong team mate.
Labis ang pasasalamat nito dahil sa pagsilang ng anak na pinangalanang Elisabet Gianna Gasol.
Kasama rin sa larawan ang asawa nitong si Catherine McDonnell.
Isa aniya itong pagpupugay sa NBA legend na kaniyang nakasama sa Los Angeles Lakers hanggang 2014.
Magugunitang pumanaw si Kobe at Gianna kasama ang pitong iba ng bumagsak ang sinakyan nilang helicopter noong Enero.