-- Advertisements --

Nananatili sa ilalim ng Alert Level Alpha ang 16 na probinsiya sa Luzon sa kabila ng tuluyang paghina ng bagyong Maymay, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX).

Ang mga naturang probinsiya ay saklaw ng 330 kilometer radius ng naturang bagyo at inaasahang makakaranas ng pagbugso ng hangin na aabot sa 55 kph.

Nagbabanta rin sa mga naturang probinsiya ang moderate to heavy rains na maaaring tumagal ng ilang oras at posibleng magdulot ng mga pagbaha.

Abra
Apayao
Aurora
Benguet
Cagayan
Ifugao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
La Union
Mountain Province
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pangasinan
Quirino

Ipinapayo sa mga residente ang paghahanda para sa posibleng pag-angat ng tubig mula sa mga kailugan, lalo na sa mga lugar na matagal nang nababad sa tubig-ulan.