Tinanggap na ni Atty. Larry Gadon ang kautusan na pansamantalang pagsuspinde sa kana bilang abogado.

Personal na inabot ni Gadon ang sulat kay Senior Associate Justice Antonio Carpio para ipaalam ang desisyon nitong boluntaryo isilbi ang tatlong buwang suspension simula Oktubre 24 hanggang Enero 25, 2020.

Nakasaad sa sulat nito na nalaman lamang niya sa mga mamamahayag noong Oktubre 3 na ito ay suspendido dahil sa paglabag nito ng Code of Professional Responsibility dahil sa mga mabibigat at masasamang salita.

Ang nasabing suspension ay basi na rin sa reklamo ng dermatologist noong 2009.

Nauna rito pinasalamatan nito si Carpio dahil sa pagiging objective nito sa kaso nito.