Hiniling ng pamunuan ng Land Transportation Office sa Supreme Court na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa inihain nitong petisyon laban sa P3.19 billion contract nito sa German firm Dermalog Joint Venture para sa kanilang Land Transportation Management System.
Ayon sa ahensya, ang Land Transportation Management System ay isang web-based core system para pagsama-samahin ang mga serbisyo ng ahensya.
Kabilang na dito ang paglalabas ng driver’s license, pagrehistro sa mga motor vehicles at issuance ng transport permits sa isang digital platforms lamang.
Ang naturang kontrata ay pinasok ng LTO at Dermalog noon pang Mayo 28, 2018.
Una rito ay naghain ng mosyon si Gerald Domingo at abogadong si Jose Carlito M. Montenegro sa SC kontra sa naturang kontrata at iginiit na labag ito sa batas kung saan maaari itong magdulot ng banta sa national security ng bansa.
Sa inihaing petisyon ng LTO, ipinuto naman nito na ang matagal na paglalabas ng desisyon ng Korte Suprema ay maghahatid ng malaking epekto sa kanilang registration, licensing at iba pang function ng ahensya.
Nabatid na ang Dermalog Joint Venture ay binubuo ng Dermalog Identification Systems gmBH, Holy Family Printing Corporation, Microgenesis Software Corporation, at Verzontal Builders, Inc.