-- Advertisements --

Plano ni dating senator Leila De Lima na umapela sa Korte Suprema matapos ang paglabas ng desisyon ng Court of Appeals na isinasawalang bisa ang desisyon na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Paglilinaw pa ni De Lima na hindi nangangahulugan na wala ng legal na epekto ang kaniyang acquitatal.

Giit na ang kaniyang acquittal ay pinal at hindi na maiaapela dahil sa prinsipyo ng double jeopady habang ang desisyon ng CA ay maari pa ring iapela.

Nagtataka din ang senadora kung bakit tila hinihiling ng CA na muling maglabas ng desisyon.

Magugunitang naglabas ang Eight Division ng CA ng 12 pahinang desisyon na ang petition for certiorari ng Office of the Solicitor General ay ibabalik sa Branch 204 ng Muntinlupa RTC.

Bigo aniya si Muntinlupa RTC Branch 204 Presiding Judge Abraham Alcantara na ipaliwanag at patunayan ganun din ibahagi ang mga batas ukol sa basehan ng kaniyang acquittal sa dating senadora.