-- Advertisements --
Binuksan na ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon at rekomendasyon para sa susunod na Ombudsman.
Kasunod ito sa pagreretiro na ni Ombudsman Samuel Martires sa Hulyo 27.
Tatanggap ang JBC ng aplikasyon at rekomendasyon ng hanggang Hulyo 4.
Ang mga requirement ay dapat isumite sa JBC online registration at application system.
Nakasaad sa konstitusyon na ang Ombudsman ay dapat mayroong 10 taon o higit pa naging judge o nag-papractice ng law sa bansa.
Magsisilbi ang ombudsman ng pitong taon na termino ng walang reappointment.