-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Ginawaran ng Philhealth coverage insurance ng lokal na pamahalaan ng Midsayap ang mga frontliners sa bayan na nagsilbi sa gitna ng banta ng coronavirus o COVID-19 pandemic.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Officer Karl Ballentes, nasa 514 frontliners ang ginawaran nito kabilang ang 13 MSWDO staffs, 14 na Rural Health Unit staffs, 31 traffic enforcers, 28 sanitary technicians, 6 Municipal Disaster Risk Reducation and Management Office (MDRRMO) staff, 77 day care workers, 21 barangay nutrition scholars, 300 barangay health workers at 24 street sweepers.

Mula sa naturang kabuuang bilang, 30 sa mga ito ang una nang nakatanggap ng Member Data Record (MDR) o opisyal nang naging miyembro ng Philhealth.

Laking tuwa ng mga benepisyaryong frontliners sa ipinagkaloob na tulong ng LGU-Midsayap na sigurado anilang makakatulong kung sakali mang magkakaroon sila ng problema sa kalusugan.

Samantala, nagpasalamat naman ang LGU-Midsayap sa pamumuno ni Mayor Romeo Araña sa sakripisyo at inilaang panahon ng mga frontliners na inilalagay sa alanganin ang kanilang buhay para sa kapakanan ng mga mga nahawaan ng COVID-19 sa bayan.