-- Advertisements --

Tinanghal bilang Miss International Queen Philippines 2025 si Anne Patricia Lorenzo-Diaz ng Maynila.

Namayagpag ang trans beauty queen sa ilang mga kalahok sa coronation night na ginanap sa Mall of Asia Arena nitong madaling araw na ng Huwebes.

Magiging representative siya ng bansa sa Miss International Queen 2025 na gaganapin sa Pattaya, Thailand.

Marami naman mga fans ang hindi sang-ayon sa pagkapili ni Diaz kung saan nagsigawan sila sa labas ng arena na “luto umano ang resulta”.