-- Advertisements --

Inanunsiyo na ng Miss Universe Philippines organization ang petsa at lugar ng coronation night.

Ayon sa organizers na gaganapin ito sa darating na Mayo 1 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang kabuuang 51 na contestants ang magtatagisan para sundin ang yapak ni outgoing queen na si Ahtisa Manalo.

Ang sinumang manalo ay siyang magiging representative ng bansa sa Miss Universe 2026 competition na gaganapin sa Puerto Rico sa buwan ng Nobyembre.