-- Advertisements --

Kinoronahan ang pambato ng lalawigan ng La Union na si Bea Millan-Windorski bilang bagong Miss Universe Philippines.

Nangibabaw ang La Union beauty queen sa 50 ng mga contestants sa coronation night na ginanap sa MOA Arena sa Pasay City.

Hinangaan ng mga judges ang sagot nito sa questions and answer portion kung saan ang tanong dito ay ang ukol sa maraming mga Pinoy ang dismayado sa bansa kaya may halaga pa ba na dapat irepresent ito sa mga international competitions.

Sinabi nito na kaya umuwi siya sa Pilipinas dahil sa maraming mga potensial na kakayahan ang mga Pilipino.

Kabilang sa mga pasok sa finalist ay sina Apriel Smith ng Cebu City, Marian Arellano ng Tarlac, Bella Ysmael ng Taguig, Nicole Borromeo ng Cebu Province, Allyson Hetland ng Pampanga , at Jenrose Javier ng Sultan Kudarat.

Siya ang papalit kay Ahtisa Manalo at magiging pambato ng bansa sa 50th Miss Universe na gagnapin sa Puerto Rico.