-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Alexei Cruz bilang Masters of the World Philippines 2026.

Sa kaniyang social media account isinagawa nito ang anunsiyo kung saan dahil sa personal at professional reasons.

Sinabi nito na hindi naging madali para sa kaniya ang desisyon kung saan mahalaga sa kaniya ang trabaho dahil ito ang kaniyang buhay at tinatawag na bread and butter.

Dahil aniya sa mga oras at responsibilidad ay napagtanto niya na hindi niya kayang pagsabayin ito sa kaniyang trabaho.

Ang pagkakaroon aniya ng titulo ay may kaakibat na responsibilidad na kinakailangan ng kaniyang oras, presensiya at commitment.

Nagpasalamat ito sa mga sumuporta at nagtiwala sa kaniya para sa nasabing pageant.

Nagwagi si Cruz noong Agosto 2 kung saan wala pang inanunsiyo ang organizers na ipapalit sa kaniya.