-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ng pambato ng Pilipinas sa Miss Charm 2025 pageant na si Cyrille Payumo.

Sa isinagawang coronation night sa Ho Chi Minh City, Vietnam ay hindi nakapasok sa Top 20 si Payumo.

Nanguna ang mga pambato ng USA, Colombia, Mexico, Germany, India, Brazil, Indonesia, Venezuela, Netherlands, Vietnam, Bolivia at Thailand.

Si Payumo ay kinoronahan bilang Miss Charm Philippines noong 2024.