-- Advertisements --

Itinalaga ang Pinay trans woman na si Keylyn Trajano bilang Universal Woman Arabia 2025.

Sa social media account ni Universal Woman Arabia national director Rev Reyes ay ibinahagi nito ang larawan ni Trajano.

Ibinahagi rin ni Trajano ang mga video habang siya ay kinokoronahan.

Ang nasabing korona ay inilipat ng kapwa Pinay na si Maria Gigante.

Magugunitang noong nakaraang taon ay ipinakilala si Keylyn na kandidata ng Miss Universe Philippines Pampanga 2025 na siya sana ang kauna-unahang trans woman sa sasali sa natioanal pageant subalit kalaunan ay umatras siya.