Lumipad na patungong India ang beauty queen na si Jasmine Omay upang katawanin ang Pilipinas sa Universal Woman 2025 pageant.
Inilipat ang petsa ng kompetisyon matapos itong ipagpaliban noong Hunyo dahil sa tensyon sa pagitan ng India at Pakistan.
Si Omay ay itinalaga noong Marso bilang pambato ng Pilipinas matapos ma-disqualify si Sophia Bianca Santos dahil sa age requirement. Si Omay din ay First Princess sa Miss World Philippines 2024, habang si Santos naman ay muling ilalaban sa Miss Elite sa Egypt.
Ang Universal Woman ay isang inklusibong patimpalak para sa kababaihang may edad 25–45, kabilang ang mga may-asawa, ina, at transgender.
Matatandaan na isa pang Pilipina na si Keylyn Trajano na transgender model mula Pampanga, ang sasabak din sa kompetisyon bilang kinatawan ng Arabia.
Sa ngayon ang reigning queen ay si Maria Gigante, unang Filipina na nanalo ng international crown, ay magpapaalam sa trono sa Agosto 10.