-- Advertisements --

Inanunsiyo ng SexBomb Girls ang pagsasagawa nila ng ika-anim na “Get, Get,Aw” show.

Ayon sa grupo na gaganapin ito sa Abril 30 sa lungsod ng Paranaque.

Ito na maaari ang pang-huling show kanilang reunion concert.

Mula kasi noong inanunsiyo nila ang reunion concert noong nakaraang taon sa Araneta Coliseum at sa Mall of Asia ay naulit pa ito ng hanggang limang beses.

Iba’t-ibang mga artista ang kanilang naging guest gaya nina BINI, Regine Velasquez, Gloc-9 at maraming iba pa.

Dagdag pa ng organizers na ang last show ay tiyak na maraming asahan na mga special guest.