Itinanggi ng China ang alegasyon na ginamitan nila ng laser ang eroplanong pandigma ng Germany.
Ayon sa Germany, na nagsasagawa lamang sila ng European Union-led operations para protektahan ang mga barko sa Red Sea mula sa pag-atake ng mga Houthi rebels ng tamaan sila ng laser mula sa barko ng China.
Dahil sa insidente ay pinatawag ng German foreign ministry ang Chinese ambassador maging ang ambassador ng China sa EU ay pinatawag din.
Ang Chinese warship ay makailang beses na nakita ng Germany kung saan nakausap pa ito ng kanilang eroplano.
Napilitan na ang fighter plane ng Germany na bumalik sa military base sa East African nation matapos ang insidente.
Sinabi naman ni EU foreign policy spokesperson Anouar El Anouni na labis na nakakabahala ang ginawang ito ng China.