Bigo at nasayang ang pagpupursige ni Stephen Curry  na matakasan nang Golden State Warriors ang Minnesota Timberwolves.

Sa huli namayani ang Timberwolves nang ma-upset ng isang puntos ang NBA defending champion, 131-130.

Naging susi sa pag-angat ng Wolves sa huling sandali ang free throw ni Karl-Anthony Towns kahit 0.5 segundo na lang ang nalalabi.

Una rito, abanse pa ng 9 points ang Minnesota sa 1:41 minuto ang nalalabi pero hinabol ito ng Warriors gamit ang 3 pointers ni Curry para sa 11-2 run.

Umabot sa kabuuang 11 mga 3-pointers ang naipasok ni Curry para sa 37 points sa pagtatapos ng game.

Dahil sa pagkatalo napantayan tuloy ng Denver (51-24) ang Warriors bilang top seed sa Western Conference playoff.

Samantala, nag-ambag naman ng 23 points si Kevin Durant.

Para kay Timberwolves (34-41) coach Ryan Saunders itinuring niyang big win ang kanilang nakamit.

Sa Lunes host ang Warriors sa Charlotte.

Haharapin naman ng Timberwolves ang Sixers.