Japan

BUTUAN CITY – Kanselado na ang klase at trabaho ngayong araw sa buong Yokohama, Kaganawa, Japan dahil sa pagtama ng bagyong Hagibis.

Ayon kay Bombo international correspondent Maritess Discipulo-Kawahara, taga-Nasipit, Agusan del Norte at matagal nang residente sa nasabing lugar, pinayuhan na sila ng mga awtoridad na huwag nang lumabas sa kanilang bahay upang maiwasan ang mga posibleng hindi magandang kaganapan.

Kanselado na rin sa ngayon ayon kay Kawahara ang train services sa kanilang lugar, habang sarado naman ang Haneda at Narita airports at lahat ng train services malapit sa Tokyo area.

Ubos na rin aniya ang karamihan sa mga food supplies sa mga tindahan gaya ng tinapay dahil sa panic-buying ng mga tao simula pa kahapon.