Naghain ng panibagong diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China.
May kaugnayan ito sa fishing ban ng China sa inaangkin nilang teritoryo, ngunit sinasaklaw maging ang West Philippine Sea.
Matatandaang nasa kautusan ng Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng China na sakop ng fishing ban ang mga lugar na sakop ang karagatan ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, tila panghihimasok na ito sa kalayaan at teritoryo ng Pilipinas.
“China’s annual fishing moratorium extends far beyond China’s legitimate maritime entitlements under UNCLOS and is without basis under international law. China cannot legally impose nor legally enforce such a moratorium in the West Philippine Sea,” bahagi ng pahayag mula sa DFA.
Dagdag pa ng kagawaran, hindi kikilalanin ng Pilipinas ang fishing moratorium ng China na papairalin hanggang kalagitnaan ng Agosto.