-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nadakip sa San Pablo, Isabela isang fish vendor na tinaguriang No.6 Most Wanted Person sa lambak ng Cagayan na sangkot sa panggagahasa sa menor de edad na may kapansanan sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bonbo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ang akusado na si Mario Mamauag, 58, may asawa, maglalako ng isda at residente ng Lamo, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Ayon sa Women and Children Protection Desk ng Dupax del Norte Police Station, sangkot ang akusado sa umano’y panggagahasa sa isang 17-anyos na dalagita may kapansanan sa pandinig at pananalita.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSMSgt Marissa Vinoya, WCPD PNCO ng Dupax Del Norte Police Station, Enero 2019 nang hinila umano ng akusado ang biktima sa tahanan ng kanyang live in partner at doon nito isinasagawa ang panghahalay.

Nalaman aniya ang panggagahasa sa biktima nang minsang mahuli ng kapatid ng biktima ang pinaghihinalaan na hinahalikan ang biktima at nagpupumiglas .

-- Advertisement --

Pinagbabantaan umano ang biktima at sinusuhulan pa umano ng pera ng akusado ang noon ay menor de edad na biktima.

Sa pagtutulungan ng Dupax del Norte Police Station Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit, CIDG, 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company at San Pablo Police Station ay nadakip ang akusado

Isinilbi sa akusado ang ang warrant of arrest na ipinalabas ni Jufge Romeo Habbiling ng RTC Branch 37, Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong 2 counts of rape na walang inirekomenda piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan

Nasa Dupax del Norte Police Station na ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.