Pumalo na sa kabuuang 14,658 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong bagong 100 Pinoy na nasa ibang bansa ang bagong nadapuan ng nasabing virus.

Umaabot naman sa 9,220 ang gumaling at mayroong kabuuang 979 ang nasawi.

Karamihan pa rin sa nasabing bilang ay mula sa Asia at Pacific region.