Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Israel na patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga manggagawang Pilipino sa Israel ang nagpahayag ng kagustuhan na makabalik ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola, aabot na ngayon sa hindi bababa sa 50 overseas Filipino workers ang nagpahayag ng boluntaryong kagustuhan na magpa repatriate.
Kung saan aabot na rin sa 26 OFWs ang matagumpay na naihatid patungo sa Jordan.
Sa isang panayam ay sinabi ni Mendiola na ang desisyong ito ng ilan sa mga manggagawang Pilipino na bumalik ng Pilipinas ay dahil na rin sa panibagong round ng missile alerts sa Israel.
Aminado ang opisyal na sa kabila ng panganib ay marami pa ring OFWs sa Israel ang nagmamatigas na umalis at bumalik ng Pinas dahil sa ilang economic concerns.
Kabilang na rito ang kanilang pangamba na baka wala silang magandang kinabukasan sa sandaling bumalik sila sa Pilipinas.
Patuloy naman ang koordinasyon ng embahada sa mga Filipino community leaders para ilista ang mga OFW na uuwi ng bansa sa ilalim ng repatriation program ng gobyerno.