-- Advertisements --

Cagayan de Oro City- Natagpuang patay ang isang pitumpu’t dalawang taong gulang na Filipino-Chinese businessman sa loob ng kanyang bahay sa isang subdivision sa Brgy. Gusa nitong lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMAJ Julius Saluta, commander ng Agora Police Station na natagpuan si Calvin Wong Sr. na duguan habang may lock 9mm pistol sa harapan nito.

Aniya dinala pa ang nasabing biktima sa pinakamalapit na hospital pero deneklara na dead on arrival.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na binaril diumano ng biktima ang kanyang sarili sa bandang ulo sapagkat hindi pa matukoy kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Sa ngayon, malaking posibilidad na walang foul play pero patuloy pa rin inaalam ng mga otoridad ang posibleng dahilan sa nasabing insidente.

-- Advertisement --