Jordan Clarkson
-- Advertisements --

Naabot na ni Utah Jazz at Filipino-American player Jordan Clarkson ang 8,000 career points.

Nakamit nito ang record nang pumasok ang kaniyang three points shots sa natitirang 30 seconds ng third quarter sa panalo ng Jazz sa Denver Nuggets, 122-108 nitong Miyerkules.

Sa nasabing laro ay nagtala si Clarkson ng 19 points.

Ayon kay Jazz coach Quin Snyder na isa si Clarkson sa mga manlalaro na laging maasahan ng koponan.

Magugunitang noong nakaraang season ay naging kauna-unahang player ng Jazz si Clarkson na tinanghal bilang Sixth Man of the Year.

-- Advertisement --

Sa ngayon bumuhos ang mga pagbati na tinanggap ni Clarkson.