-- Advertisements --

LAOAG CITY – Handang-handa na ang Ferdinand Marcos Stadium dito sa Ilocos Norte para sa opisyal ng pagsisimula ng Palarong Pambansa 2025 ngayong araw.

Ayon kay Miss Helen Rose Domingo, pinuno ng Provincial Sports Development Office na umabot sa 1.1-bilyon piso ang inilatang ng provincial government para lamang sa Ferdinand Marcos Stadium.

Una nang ipinaliwanag ni Mr. Faivo Bartolome, Sports Consultant ng provincial government kung bakit magkakalayo ang playing venue para sa Palarong Pambansa 2025.

Aniya, lahat ng playing venue ay may mga tourist spot at ito ang estratehiya ng provincial government para ipakilala sa mga delegado at iba pang bisita ang mga magagandang lugar at tanawin dito sa Ilocos Norte.

Samantala, humingi ng nang tawad ang isa sa dalawang tricycle driver na nag-overcharge sa ilang delegado ng Palarong Pambansa matapos magsagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.

Napag-alaman na dalawang tricycle driver ang inireklamo subalit hanggang ngayon ay hindi pa natunton ng mga otoridad ng isa sa mga ito.