Pinasalamatan ni tennis star Roger Federer ang Swiss government dahil sa paglagay ng kaniyang mukha sa bagong 20-franc silver coin.

Tanging ang Swiss tennis star lamang ang buhay na inilagay sa isang barya.

Itintuturing kasi si Federer na kilala sa kanilang bansa na nanalo ng 103 tour-level titles kabilang na ang 20 Grand Slam crowns at 28 ATP Masters 1000s.

Nasa pangatlong puwesto sa 2019 year-end standing ng ATP ang 38-anyos na player.

Bukod sa 20-franc silver ay balak din na ilagay ang mukha nito sa isang 50-franc gold coin na may ibang design sa susunod na taon.