Roger Federer 3
-- Advertisements --

Hindi na nakapasok sa Top 10 ng ATT rankings Swiss veteran at tennis star na si Roger Federer.

Mula pa kasi noong Hulyo ay hindi na nakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa injury sa kaniyang kanang tuhod matapos na talunin siya si Wimbledon quarterfinals kay Hubert Hurkacz.

Umangat naman ang puwesto ng bagong Indan Wells champion na si Cameron Norrie na nasa pang-15.

Tinalo kasi ni Norrie sa katatapos na Indian Wells si Nikoloz Basilashvilli ng Georgia.

Bumagsak din ang ranking ni Andy Murray na mula sa dating pang-51 ay naging pang-172 ito.

-- Advertisement --

Nasa unang puwesto naman si Serbian Novak Djokovic na sinundan ni Daniil Medvedev ng Russia, Stefanos Tsitsipas ng Greece, Alexander Zverev ng Germany at Rafael Nadal ng Spain sa pang-limang puwesto.