FALCON BAGYO
Falcon TD

Nadagdagan pa ang mga lugar na nasa Tropical cyclone warning signal matapos ang pag-landfall ng tropical storm Falcon.

Sa pagtaya ng PAGASA , pasado 12:30 a.m. ng magland-fall ang bagyo sa Gattaran, Cagayan.

Taglay pa rin nito ang lakas na 65 kph at pagbugso ng 80 kph.
Nasa signal number 2 ang Babuyan Group of Islands, Batanes, Northeastern.
Cagayan.

Habang nasa signal number 1 ang natitirang bahagi ng Cagayan, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga , Isabela, Mountain Province, Ifugao, Northern Aurora, Northern Nueva Vizcaya at Northern Quirino.

Nagbabala ang PAGASA sa panganib ng landslide sa mga lugar na apektado.

Inaasahan na lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Falcon umaga ng Biyernes.