-- Advertisements --

Nagkamit muli ng panibagong record ang Korean group na BTS.

Ito ay matapos na makapagtala ng 1 bilyon YouTube views ang kantang “Fake Love”.

Ito na ang pang-limang music video ng grupo na umabot ng ganoon na bilang ng views sa YouTube.

Ilan sa mga kanta ng grupo na umabot sa nasabing bilang ay ang “DNA”, “Boy With Luv”, “MIC Drop” at “Dynamite”.

Noong Agosto 27 in ay inilabas nila ang collaboration nila kay Megan Thee Stallion para sa kantang “Butter” na naging Top position sa Billboard Hot 100 sa loob ng siyam na linggo.

-- Advertisement --