-- Advertisements --

Nagsama-sama ang Korean group na BTS sa isang livestream.

Ito ang unang pagkakataon na nagsama ang grupo mula ng sila ay makalabas sa kanilang mandatory military service.

Sa nasabing livestream ay ibinahagi nila ang ilang plano gaya ng paglabas ng bagong album sa susunod na taon.

Taong 2022 ng itinuon ng bawat miyembro ang kanilang mga solo projects at nagsimula sa mandatory military service.

Ikinatuwa naman ng maraming fans ng grupo kung saan umaasa sila na magkaroon ng mga konsiyerto.