-- Advertisements --

My inihanda ang K-pop group na BTS na surpresa sa kanilang fans para sa pagdiriwang ng kanilang ika-12 anibersaryo.

Ginaganap ang BTS Festa sa Goyang City, Gyeonggi Province kung saan mayroon mahigit 20 mga interactive booths para sa mga extensive offline fan experience.

Ang nasabing BTS Festa ay ginanap nitong Hunyo 13 at 14.

Sa mga hindi makakapunta na mga fans ay mayroong online streaming para maranasan din ng mga fans ng grupo sa buong mundo ang kasiyahan.

Mararanasan ng mga fans sa festival ang iba’t-ibang BTS experience gaya ng “ARMY Bomb Photo Spot”, “Voice Zone” kung saan mapapakinggan ng mga bisita ang boses ng kanilang idolo na BTS , “Trophy Zone” kung saan makikita ang mga karangalan at pagkilala na natanggap ng grupo.

Habang ang grand finale ng nasabing festival ay makikita ang world tour ni J-Hope na “Hope On The Stage” .