Inanunsyo ng BigHit Music na si Suga, miyembro ng sikat na K-pop group na BTS, ay makukumpleto na ang kanyang mandatory military service bilang social work personnel sa darating na Hunyo 21, 2025.
Sa isang pahayag sa Weverse noong Hunyo 18, sinabi ng BigHit na wala munang nakatakdang espesyal na pagtitipon sa araw ng kanyang discharge upang maiwasan aniya ang panganib para sa kaligtasan ng kanyang mga fans.
Nagpasalamat din ang BigHit Music sa patuloy na suporta ng mga ARMYs (BTS fans) at tiniyak ang tuloy-tuloy nilang suporta sa mga artist sa kumpanya.
Matatandaang si Suga ang huling miyembro ng BTS na lalabas mula sa military service. Mas mahaba nang kaunti ang kanyang service kumpara sa active-duty soldiers, dahil bilang social service worker, siya ay itinalaga roon bunga ng mga kundisyong pangkalusugan.
Nauna nang na-discharge sina RM, V, Jimin, at Jungkook ngayong Hunyo 2025, habang sina Jin at J-Hope ay nakumpleto ang kanilang service military noong Hunyo at Oktubre 2024.