Ibinunyag ni Jin ng BTS na isa siyang malaking tagahanga ni Bruno Mars at nais makipag-collaborate dito kung mabibigyan ng pagkakataon.
Sa isang episode ng ”The Puppy Interview” ng BuzzFeed na inilabas nitong Miyerkules, sinabi ni Jin (Kim Seok-jin) na madalas niyang kantahin ang ”Just the Way You Are” bago pa man siya nag-debut.
Nagustuhan din niya ang kanyang ”APT” na kolaborasyon nina Bruno Mars at Rose ng Blackpink.
Ibinahagi rin ni Jin na madalas niyang pinapakinggan ang sarili niyang album na “Echo,” na inilabas noong Mayo, dahil ngayon lamang niya ito napapakinggan nang tuloy-tuloy.
Naghahanda rin ang K-pop star para sa kanyang concert tour na magsisimula sa Goyang, South Korea ngayong Hunyo, dahilan upang muli siyang nagbalik sa pag-eehersisyo.
Magugunita na si Jin ang pinakaunang miyembro ng BTS na nakatapos ng mandatory military service, at mula noon ay naging abala sa mga solo projects tulad ng web variety show na “Run Jin” at reality show na “Kian’s Bizarre B&B.”
Samantala kamakailan lamang ay na-discharge na rin mula sa military service sina RM, V, Jimin, at Jungkook, na nagpasigla sa kanilang fans para sa inaabangang pagbabalik ng BTS bilang kompletong grupo.