Nakitaan ng paglago ang external trade sa Pilipinas sa loob ng nakaraang taon.
Ang kabuuang kalakalan ay pumalo sa $17.25 billion, mas mataas ng 24 percent kumpara sa record noong taong 2020, batay sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Maging sa nakalipas na buwan ay mas mataas ng nasa 15.2 percent.
Gayunman, lumalabas na hindi pa rin ito balanse kung ipaghahambing ang imports at exports.
Ang mga biniling kalakal kasi ay $10.98 billion, habang ang exports ay $6.27 billion.
Kaya malinaw na may trade deficit na $4.71 billion.
Ilan sa pangunahing inangkat ng bansa sa naturang period ay medical at pharmaceutical products, mineral fuels, cereals, transport equipments, industrial machinery, pagkain kasama na ang mga buhay na hayop at marami pang iba.