Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 8,171 kaso ng dengue mula Hulyo 6 hanggang 19 ng kasalukuyang taon.
Bagamat ayon sa ahensiya, mas mababa ito ng 33% kumpara sa naitalang kaso sa huling linggo ng Hunyo 22 hanggang Hulyo 5 na nasa 12,166 na kaso ng dengue.
Iniuugnay pa rin ang pagkakatala ng libu-libong kaso ng dengue noong mga nakalipas na buwan sa mga magkakasunod na kalamidad na tumama sa bansa.
Kaugnay nito, maigting na nakabantay ang ahensiya sa mga naitatalang kaso ng dengue sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Nagpayo din ang ahensiya na huwag magpakampante sa banta ng dengue, maaraw man o maulan at ipinaalalang ugaliin isagawa ang 4Ts – taob, taktak, tuyo at takip tuwing alas-kwatro ng hapon para mapuksa ang mga pinamumugaran ng mga lamok lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.