Lumakas pa ang bagyong Podul at ngayon ay isa nang severe tropical storm.
Huli itong namataan sa layong 2,155 km silangan ng Extreme Northern Luzon, batay sa pinagsama-samang datos.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 95 km/h malapit sa gitna, at bugso ng hangin na umaabot sa 115 km/h.
Mabagal na kumikilos ang weather disturbance na pa-kanluran hilagang-kanlurang direksyon.
Umaabot ng hanggang 250 km mula sa gitna ang lakas ng hangin ng bagyo, mula sa malakas hanggang sa storm-force winds.
Gayunman, hindi inaasahang direktang makaapekto ang Podul sa panahon at kondisyon ng dagat sa bansa sa loob ng susunod na limang araw.
Inaasahang kikilos ito pa-kanluran bukas (Agosto 10) at sa Lunes (Agosto 11), bago muling lumihis pa-kanluran hilagang-kanluran o hilagang-kanluran mula Martes (Agosto 12) hanggang sa pagtatapos ng forecast period.